Monday, February 7, 2011

"Writing is easy. All you do is stare at a blank sheet of paper until drops of blood form on your forehead"

Eto, nasesense ko mahaba-habang pagtatayp na naman to. Masaya ako eh, satisfied! At inspired, ika-nga. Inspired ako, isa pa, inspired ako. Isa pa.. wag nalang :)

GRABE. Wala akong masabe.. sa ngayon! Maliban sa title, mahirap gumawa ng intro lalo na kung ganto karanasan. Season ng mga lamok, peste ah.

Di ako late sa school kanina! Whoooo! Pero sa klase oo. Pano ba naman kase, ang haba ng pila sa pagpapaprint. Nabibwiset na naman ako sa printer namen sa tuwing naaalala ko na naleleyt ako sa klase dahil sa pila. "Bat di kayo nagpaprint nung sabado o nung linggo?" sabi. E bat PO ba?... phbt. Ay disrespectful, di bale na, tuloy lang sa pag-aantay. Di naman napagalitan. Di pa naman nadadala ung hws sa faculty room, pwede pang magpasa. Physics, math, english. English, hehe, wala kong assignment dun (ssssshhhh), nakakatamad magdrawing eh, kung sana interesado ako sa gagawin. Mas okay pag bakat nalang. Physics, osige, napaprint na eh, pasa lang. MATH. L*che. L*che talaga. NAIWAN KO DITO SA BAHAY. Pambihira, napakahsay ko naman. Para san pa ang pagpupuyat?? Yari kay Ma'am Ivy, metalblow na naman. Gusto ko MINSAN pag napapagalitan nya ko, kasi nagkakatitigan kami. HIHI. Pero di siya nagalit kanina eh, senti mode eh.

Wala kong iniisip kanina masyado. Di din ako nakikinig (kelan ko ba un ginawa?). Isa lang naisip ko. Napangiti pa ko. Ano kayang iniisip nila ngayon? Nila, ng mga kaklase ko? "Tignan mo si Kim oh, ampangit". Natanong ko na to kay Shiela kanina eh, kung di ako nagkakamali. Sana may ability akong makapagbasa ng iniisip ng ibang tao. Applicable un pag may recitation. Yes. Pero masama. Pero ambisyon ko lang un. Naalala ko sabi ng tatlo kong kaklase (di na ko magbabanggit para fair sa mga di nabanggit), nagsasalita daw ako. Hindi salitang normal. Nagsasalita daw mag-isa. Huwaw. Pagkatapos daw magrecite?
H: Oo kaya, nagsasalita ka pagkarecite mo.
A: Hindi totoo yan.
H: Na hindi ka nagsasalita?
A: Hindi ako nagrerecite!
D: Pag tinatawag ka kaya ni Ma'am.
A: Di ako natatawag unless nagtaas ako ng kamay.
D: Tinatawag ka kasi tulog ka.
H: Tsaka pag nakatingin sa baba.
A: Sa baba? :O
H: Oo, nagbabasa ng libro ni Bob-ong.

...

Baka nga nagsasalita ako. Pero hinde! Kumakanta ako. Sa katunayan, may hawak pa akong slider ng folder at feel na feel ang pag-lelead at kung minsan pa'y pagsstrum. SUS. Natural lang un sa mga gaya kong walang magawa. Ayokong magdaydream, mas nakakabaliw pag nakikita ka ng iba na ngumingiti (parang kahapon, dito sa bahay, kita ni daddy) :">

Sa panahon ngayon (aminin na natin), nakakatamad ng makinig. Lalo pa't alam natin na less than 20 days nalang ang pananatili sa benedict. Nakakaaliw magsulat, magsulat (hindi ng nobela) ng kung anu-ano, paikot-ikot, straight, zigzag, pero hindi drawing. Pero kanina may naform ako: deformed na muka.

Ay ngayon ko lang napagtanto. Di ko nasimulan ung blog ng exact time. Sayang. Di bale, ngayon nalang :)
Bale, 7:48 pm na.
Kumain na ba kayo?? Masyado ata kong naexcite. Madami kasi akong natutunan ngayong araw.

Maliban sa paglikha ng mga "abstract drawings", napagtuunan ko ng pansin si Ma'am Lenie :)
Si Ma'am Lenie na bata naming Physics teacher, na ginagaya ko dahil sinasabi na kamuka ko siya. Alam nyo ba, maganda talaga si Ma'am Lenie! (coughs)
Si Ma'am, ang ganda nya <3 Paborito ko siyang teacher. Bagama't lagi nya akong napapansin at napapagalitan.

1st, 2nd, 3rd time:
M: Kim, itago mo yan. Alam ko magaganda ang mga libro nya. Paborito ko din si Bob Ong. Pero hindi ito ang tamang lugar para basahin mga yan.
A: (sa isip) O tara Ma'am, sabay natin to basahin, sa bahay, walang tao!

4th time:
M: Kim, ang baba mo sa Physics. (noong nakaraang quarter) May kulang ka saking 100 pts. Tas bumaba grade mo sa recitation kasi lately di ka na active.
A: AWCH. Ano pong gagawin ko? Pupunan ko po iyon! Ngayon na po!
M: Hinde, gumawa ka ng dictionary. Words na na-tackle natin sa Physics. Ngayong 3rd quarter lang. 25 na words siguro.
A: (sa isip) P*cha. 25 words para sa 100 pts?? Ano un? 4 pts kada word? (kay ma'am) Sige po Ma'am, lahat! Para sa 100 pts.

Kung tutuusin, nakatulong sakin un ng malaki. Andaming terms! Pero habang nagsusulat ako at hirap na hirap sa pag-aarrange alphabetically, pumapasok sila sa utak ko. So, problem solving nalang aaralin ko. (noon to, bago ung araw ng exam)

4th quarter: Isang malupet na pasaring na naman ang nasagap ko mula sakanya.
Nakakatawa. O baka para sakin lang funny. "ATTEND MY CLASSES."
HUWAAAW. Anong ibig nyang sabihin? Katingera ako?? Haaay. Ang sarap balikan ung mga panahong nagagalit sakin mga teacher. Sa benedict ako ilang beses ng napaiyak ng teacher, napa**** sa sobrang galit, napapunit ng ilang papel sa sobrang galit parin, nakasira ng notebook dahil sa diin ng sulat dahil sa galit parin. Galit pero sa huli, greenwich! Ay ano bang sinabi ko? Si mommy kasi biglang nag-alok. Haha. See the logic?

Si Ma'am Ivy. Si Ma'am Ivy na naging teacher ko sa Math mula pa noong 2nd year. Naniniwala ako sa destiny. (KV) Siya ang laging nagmemetal-blow saken. Ung tipong walang wala na kong pagmamahal na nararamdaman para sa lahat dahil sa sobrang HIYA. "Bigyan nyo nga siya ng tracing paper. Daig ka pa ng mga lalaki, sila may dala." "Napakapasaway kasi ng kaklase nyo, 4th year na eh.."
Madami pa. Pero kahit na ganun pa, TAE, mahal na mahal ko parin si Ma'am. Isang karangalan ang makausap siya ng personal, di lang sa klase. Kakainngit mga taga-St. Leander, sinulatan ni Ma'am.

Mahal parin ako ni Ma'am Ivy, kahit na naging pasaway ako. "Remember that Ma'am Ivy once loved you, and will always do. <3" Di accurate, basta ganyan un. Grabe ka-touch. Kakilabot. Ang kembot. Botbot. Check ko nalang bukas sa freedom wall kung ganyan nga un. Pero kakainlab talaga.

Kanina ko lang naisip tong mga bagay na to. Kaninang nag-eemo ako sa Physics at Filipino. Balikan ang mga "unforgettable" moments nung high school. Nang ma-confiscate ang selpon ko nung 1st yr, class officer pa man din daw ako ika-nga ni Ma'am Nep, nung mapitik ako sa noo ni Sir Mark nang mahuling natutulog sa klase nang hindi naka-head down. Nang masigawan ni Sir Dranreb at ma-lock-an ng pinto. HALA. Puro mga advisers pala to. Haha. At ngayong 4th year, halos lahat ng teacher na ang sumita sa akin. "Tinuringan ka pa man ding SSG officer at leader, ikaw pa tong nagsisimula ng ingay". Kaya di na kataka-takang hindi ako deportment awardee. Bow.

Oy, di pa tapos. Masaya pa ko eh. Madami pa akong thoughts :">
LUNCH. O baby, ang lunch kanina.. @Marjie Godoy, mahal na mahal kita at maraming salamat sa pagpapahiram ng dalawang libro ni Bob ong. Muli na naman akong ginanahan sa klase... sa pagbabasa. Hehe. Naalala ko ung "super thank you" na nabanggit sa "Stainless Longganisa" (na kasalukuyan ko ring binabasa).. Ano daw ang pinagkaiba nito sa ordinaryong "thank you"? (teka, hanapin ko sa book ung part na to)
Hmmm.. (wait. haba na pala ng nabasa ko sa school) Ahh naalala ko na. Hehe. Pag thank you lang, thank you lang talaga. Pag super thank you, eh para daw may kapa at super powers ung thank you. HEHE. Pano pa kaya pag SUPER DUPER THANK YOU? :)

Hmm. Nagsimula akong magbasa ng Stainless Longganisa, period after lunchtime, hanggang 3:10 na un. At naka-50 pages na pala ko. Para din itong (ammm) semi-biography ni Bob ong. Nakakatuwa. Kung siya ay nainspire sa mga foreign at local writers, ako sakanya. Edi parang nainspire na rin ako sa mga taong inspiration nya sa pagsusulat. (huh?) Eh basta halo halo. Pero ayokong gumawa ng libro, kahit alam ko na kung pano. Swerte ako nababasa ko mga gantong uri ng libro, malas ko ngayon ko lang sila nababasa. Edi sana.. Whoooo. Masaya.

Nakakainspire naman talaga si Bob Ong. Gusto ko syang ma-meet. Gusto ko syang makausap. Pero di sya kasi kilala. Marami nang nagsabi na siya daw si ganto, si ganyan. Alam ko yan, hinanap ko na din sya eh, sa google. Siguro nakita ko na siya? Sa SM? Sa MOA? O baka sa National Library? Nga lang, di ko siya kilala by face. Sana ka-edad ko din siya. Sa edad na to, hindi sa edad nya. Mga 40 na siguro un. =)) Hay, parang si Ely Buendia. Swerte ng asawa nya, malas kasi may sakit sya.

English. May demo teacher ulet. Whoooo, tuloy lang sa pagbasa kanina. Boring, sa totoo lang. Mood daw ng poem. E hindi naman ako interesado sa mga poems. Sa kanta at nobela pwede pa. Parang parehas lang eno. Ung nobela kasi kanta. Kanta ng Join the Club. (search sa youtube kung sakanila nga ung kanta).

Whoo. Basa ng poem, wala naman akong naintindihan. Look to this day! Whaaat?! Pangit simula ng araw ko. Sabe dun. Yesterday is.. wag nalang, nakalimutan ko. Basta ang boring. Nang si Ma'am Anne na nagdiscuss. Lively na ulet klase. Imba talaga si Maam. Walang kupas. Walang katumbas.

Balikan ulet ang libro. Merong part kanina dito, habang binabasa ko, e gusto kong ishare.
Yun ata ung.. -psssh spoiler! Wag na nga lang potek. Basahin nyo nalang ung book.

Ung bookmark, pinilas na papel. Eto ung kanina pa sa English class eh. Nagpabunot ung demo teacher ng letter. Pag nabunot mo ay isang letter na bumubuo sa salitang POEM, sasagot ka sa tanong. (palibhasa walang nagrerecite kanina sakanya, kaya nya un pinagawa) Aba, prepared si maam. Hehe. Ligtas naman ako. "V" ang nabunot ko. Ung katabi ko, O. HAHAHAHAHA. Yari ka. Pero sa pagkakatanda ko, saved by Maam Anne sya eh, di na sya nakasagot. Wow. Nasabi ko lang at naalala, ung papel kasi na un ung bookmark ko.

Di pa ko gutom. (Katatawag lang ng pangalan ko(?) kasi kakain na raw) Di ako sigurado, ako ba un? KRIM daw. Napaghalong Kristel at Kim. Kaya KRIM. Kami pala ni ate. O baka nabulol lang, biglang lumabas sa bibig nila ung KRIM. Tulog kaya si ate. Pero pag nandito si Kuya, "ALKIMTEL", kain na! Buti hindi official na kapatid namin si LA. Asan na kaya si Kuya??

Di pa ko gutom. Bago kami tuluyang umuwi, kumain muna kami ng "DIABLO". Hehe. Kakaiba sa pandinig db? Noodles sya na maanghang at maiinit na parang hell. Kaya siguro Diablo. Masarap, nakakasipon.

Haay haba ng blog. Siguro tinatamad na kayo. O baka wala pang nakabasa neto kasi walang may tyaga. Parang ibang libro din.. Nakakakiliti minsan, nakakaiyak, nakakatouch, at madalas (parang itong blog), nakakapanghikab ng bibig. Pasensya naman :)

Hanggang ngayon nanginginig parin kamay ko!! Dahil sa kalalaro ng Volleyball kanina. BUKAS AY ARAW KO. Walang sisira neto, please? "Mine! Yours!" Saya ng laro kanina! Ang husay ni Dandy at Aaron, Eman, basta! Dama ko mananalo kame. HAHAHAHA. Overconfident amp. Basta, gagalingan namen. Whoo. Blue-laley!

Pauwi, sa jeep. "Ate, dito ka tabi, wag sa hayop." HUH? Who you? Buck Bou. Mga walang masabeng nilalang. Haaaay. Nakasabay ko pa si Sir/Kuya/Mang Kiko, ung guard namen sa school.
S: San ka galing?
A: Naglaro po.
S: Ginagabi ka ka naleleyt.
A: Sssshhh po :))

Mamimiss ko sya, naisip ko talaga. Wala nang ganun sa college. Wala ng magreremind sakin lagi na magdrop by muna sa HS office at kumuha ng tardy slip. Wala nang mangangantyaw saken, "uiiiii, ang aga ah! daan ka kay sir sol, wala ka pang ID." Drama na naman akow.

 Nakauwi ako. 7 na. Yari. Nandito si mommy. Napaaga ata. Phbt. At nagtago pa, kunwari wala. O sige, kunwari din di ko sya nakita. At kita ko may laptop. OY si ate tel!! Tulog. Whooooo! May pera na naman ako. Hurrray. Ay. Panira. Nakita ko na naman bago kong selpon. Dalawa nakainsert, sun at globe. Text nyo nga ko. Putek. +639062666776 ahahahaha. Beware: Ako ay isang jejemon. Panira talaga selpon ko eh. Ayoko neto. Gusto ko parin ung luma. Yun ata nagpapakita na ako ay loyal (coughs) [kelangan ko na ng solmux, kanina pa to] Oo ung luma. Luma. Luma. Luma. Mas masaya at madaling gamitin. Kesa dito. CROSS OUT. Pero atleast pwede na kong matawagan.

Anyway. Di pa ko natutulog. Di pa ko nagsisimula sa mga hws (OY LINK NGA). Di pa ko kumakain. Di ko pa siya nakakausap. Lahlahlah. Di ko na alam sasabihin ko.

Kaya pano ko ba to tatapusin? "ah, di ko alam kung pano tatapusin ang tula/kanta, kaya ganito nalang bigla nalang mawawala" -parokya ni edgar

8:52 pm (F-A-D-E)

No comments:

Post a Comment