Monday, February 14, 2011

"Magpatayan sa ika-14 ng Pebrero"

Magpatayan, in "idiomatic" translation: "nagkalat ng dugo"
Based sa sagot ko sa Filipino exam last quarter. Mali pa nga ata.

Dahil araw ng mga puso, ang "puso", para sa kaalaman ng lahat, ay kulay pula dahil sa dugo, kaya't ang "pula" ay kulay dugo, este ang "dugo" ay kulay "pula", edi "puso" ay "dugo", kaya ang usapin ngayon ay may kinalaman lamang sa dugo. >:)

Note: Wag nang mag-atubiling tapusin ang pagbabasa sa blog pag nandidiri sa dugo. Pero wala naman akong ish-share na nakakadiri, o baka meron? Bahala ka.

Isa pang note: Ngayon pa lang ay sinasabi ko na sayo/sainyo, di ko period ngayon.

Part 1:
DUGO! Kaninang umaga, hindi inaasahang tumulo ang dugo mula sa isang butas ng aking ilong. I was ready for school na eh, pero ok lang kasi I know ma-eexcuse ako. Besides, late na rin naman na ako, 8 na nun at ayaw ko nang pumasok. Initial reaction: "MA!!!" Nabigla ako sa nangyari, para namang di na ko sanay sa 15yrs of existence ko na hindi nakukumpleto ang isang taon o isang buwan pag di to nangyayari. Nabigla ako sa mismong reaksyon ko. May evolution din pala ang reaksyon.. :)

"Gaaaahd, my nose is bleeding! Doktor, ospital!"
"Damn, ung ilong ko ulet oh, tara clinic."
"Shet, eto na naman, CR muna."
"Boom, penge tissue, tumulo na naman sipon kong pula."
"Aw, nosebleed. K."

Daddy said, "pinipilit mo lang naman magdugo ilong mo eh para di ka pumasok."
Hmmm, pwede rin, kakalikutin ko muna ilong ko para magsugat tas dumugo (AWCH!), lilinisin para makahinga ng maayos (heaven!), pero hindi eh, kasi malinis ilong ko kaninang umaga, kaya, wala akong kinalaman dun sa nangyare! Inosente po ako! :>

Galit ako kanina, nakakabanas, andaming isinumbat saken. Pati pagiging sluggish ko. Pinanganak akong mabagal na! May kinalaman ata iyon sa creation, hehe. In connection to blood, (naks!), gusto kong magkalat ng dugo dito sa bahay kanina sa sobrang pagkapoot. Gusto kong manaksak tas magsulat sa pader gamit ang dugo, "Happy Valentines <3 Kim", kaso napigil ako ni mommy. Okay kalma. Dinala nalang nila ko sa ospital.

Darn it. This is the most awaited day in my entire life! Ang araw ng pag-alam ng cause ng nosebleeding. Dahil may balat sa pwet ang pinsan ko, hindi ako (lol), wala pa ung doktor. So babalik. Pero BINIPI ako muna, as in inalam ang BP, ayos lang, normal, pero low blood. At nagtimbang. Minus 2 na naman sa weight. AYOKO NANG MAGKASAKIT! Bibigat kaya ako kung sakaling bigyan ako ng dugo?? MARJIE, penge me!

Okay. Balik ng 11:15, dapat talaga 10:30 kaso may grupo ng gwapo ang pumunta dito sa bahay kanina :) at pinalitan ung adbox namin, ginawang digital, huwaw. Ang gwapo nila. Nakakaattract ang mga lalaking nakaitim (naaattract ako sa sarili ko), para silang banda :) Kaya 11 na nga kami umalis. NAKNG. Blood test pa gusto. (Sign of the cross) Nakakapanghina. Never ever pa akong nakuhanan ng dugo, kanina lang. Ang masaklap, tatlo pa.. sa arm, sa finger, sa ear.

By that time, I was yelling: "MA! PAYAGAN MO NA KO SA FEB.26, WORSHIP UN MA! GAGRADUATE AKO, WALANG MANGYAYARING MASAMA SAKEN, (then screams)...... ha ma ha, zzzzzzzzzz.."

"MA, MAY BUS, PLEASE PLEASE PLEASE, ISIPIN MO NALANG SA BENEDICT LANG AKO PUMUNTA (then screams)..."

Loko, ang sakit! Lalo na nung sa tenga tsaka sa finger. I don't know how to call it, pero my term is "binaril".
Deym, binaril nya ung tenga ko, bv, para kong binutasan dun sa part tas lalagyan ng hikaw. Tas ung sa finger naman, kakagitara ko lang nun, at magigitara pa ako sa school, sheeeeeeet! Nadama mo na ba ang ganiyang feeling? 
.....
Punas ng luha. Pero dahil nagmamadali, babalikan na lang ung results after class. 
Gusto ko pa sana ikwento ung naganap sa klase kanina pero wag nalang kase di ko marelate sa dugo, o baka oo, tinatamad lang ako. At tatamarin lang di kayo sa pagbabasa.

Birthday ni Mommy. So? So bumili ako ng gift. Hah, sweet ako eh. Pag single ka nga naman talaga, sila ung pagkakagastusan mo. (blush) Cake, 1 red balloon, 1 blew up white balloon. Okay na un. Baliw kasi ung driver kanina, sarap saksakin (mai-relate lang sa dugo), ambilis magpatakbo, lumipad tuloy ung white na lobo, e kay daddy pa naman un. Syempre pinakuha ko. E kung hindi naman talaga tanga, nilapit nya sa balloon ung trike, at bobong nasagasaan ung balloon. Grabe, mabibigla ka sa kung anung nangyari sa balloon.

Hm, tama ba spelling ko ng balloon? Kanina ko pa tinatayp, conscious lang. Tama ba spelling ng conscious? Nakakakonsyus naman talaga. Anyway.......
Natuwa si mommy, she said "thank you, anak" thrice. At si daddy tampo. Pag daw bday nya, boxer shorts lang at pabango. Pambihira. Hahaha! At ung balloon, I mean ung lobo, dahil estudyante ako at may bolpen, I wrote "daddy" nalang over "mommy" on the "lobo". :-BD

6. Balik sa hospital, I felt a bit of nervous. Malamang.
As I enter the room....
D: Ayus naman eh, wala kang Leukemia! (this time, tama na ko sa spelling 'cause I asked pareng google)
A: *shocked*
D: Normal ang bleeding time pati clotting time.
A: YES!
D: Kaya ka lang nagnonosebleed ay dahil sa "turbinate" mo. Nakalabas. Dapat nakatago. Pero titigil na yan when you're in 20. Mana mana yan, daddy mo ganyan daw nung bata.
A: Daddy naman eh! >:)
Daddy: FD ka anak. Hehe. 
A: Anong FD? :)
D: Sige, okay na. Uwi na kayo, congrats. You're fine. 
A: *Nabitin*

Part 1 
End Sub

Part 2
Ew, si LA may bagong sugat, nagdudugo.

Part 2 
End Sub

Part 3
Before I forget, bbye sa mga kapuyatan sa facebook, ayoko nang magpuyat, kahit matagal ko na tong sinasabi, kasi ayoko pag low blood. Andaming sacrifices. Isang sintomas pala ay nosebleeding. Basta di na ako magpupuyat, depende pala kung nakatulog ng hapon :D

Turbinate pala ha, dapat nakatago, tignan nyo nga sa inyo kung nakatago, pag di nyo nakita.... :)
Kita ko nga ung akin, hehe. Dalawang bilog. Nyahahaha. At noon pala kasi, mahilig akong kalikutin to. Batang bata pa ako, sa sulok, makikitang sinusundot ang ilong gamit ang tip ng unan. Kewl. Bat di ko na kaya un ginagawa ngayon? As in ngayon?...(sneezes) ahhhh..

Part 3
End Sub

Option Explicit
Dim Statement
For x =nosebleeding
Next x
End
End Sub

*Di ko nagawa ung activity 2 sa Visual Basic dahil 1 na ko pumasok sa school*
At wala na kong masabe. Tara batuhan tayo ng dugo!! Gusto mo ba yon?
F-A-D-E

No comments:

Post a Comment